Martes, Oktubre 4, 2011

Mga Katanungan Para sa Filipino 4


Test I Talasalitaan
Panuto:Piliin ang tamang sagot.
1.      Yumuyutyot ang kanilang barong-barong nang pumanhik ang kanyang ama.
a.       Nagigiba  b. Yumuyugyog  c. Bumubuway  d. Tumitibay
2.      Ang kanyang ama ay  lumupasay ba lamang dahil sa sobrang kalasingan.
a.       Tumalungko  b. Umupo    c. Humiga   d. Humilig
3.      Hindi siya nakahuma nang marinig ang boses ng kanyang ama.
a.       Nakakibo   b. Nakatawa   c.  Nakaiyak  d. Nakahiyaw
4.      Nanlisik ang mga mata ng kanyang ama nang siya ay makita.
a.       Nagkati   b. Kumurap  c. Pumikit  d. Nanlaki
5.      Maghanapbuhay ka, masyado kang batugan.
a.       Tamad  b. Masipag  c. Torpe  d. Mabait
6.      Hinalibas siya ng bote ng kanyang ama, mabuti at nakaiwas siya.
a.       Iniwanan   b. Binato  c. Hinawakan  d. Pinasalo
7.      Hindi na niya matiis ang mga parunggit ng kanyang ama.
a.       Paalala   b. Pasabi   c. Parinig   d. Panunumbat
8.      Sinansala si Mang Karyo ng kanyang asawa.
a.       Pinagsabihan  b. Pinangaralan   c. Pinigil  d. Pinabayaan
9.      Nakapako ang kanyang paningin sa inang naghihirap ang kalooban.
a.       Nakatitig  b. Nakatulala  c. Nag-aatubili  d. Nag-aalinlangan
10.  At patalilis niyang nilinisan ang kanilang tahanan.
a.       Payuko   b. Patalikod   c. Malumanay   d. Pahangos

Test 2
Panuto: Piliin ang tamang sagot.

1.      Sakop ng teoryang ito ang mga bagay na likha ng tao.
a.       Yo-he-ho 
b.      Ding-dong
c.       Tarara-boom-de-ay
d.      Ta-ta

2.      Paggaya sa mga tunog na likha ng kalikasan o hayop katulad ng aso na itinuturing na pinakamalapit na kaibigan ng tao.

a.Ding-dong  b. Yo-he-ho  c. Ta-ta  d. Bow-wow

3.      Pagsasabay ng pagsenyas sa pagsasalita.
a.Yum-yum  b. Pooh-pooh c. Ta-ta  d. Bow-wow

4.      Mare, natikman mo na ba siya?
a.       Dayalek  b. Idyolek  c. Sosyolek  d. Wala sa nabanggit

5.      Ala, ang layo eh.
a.       Dayalek  b. Idyolek  c. Sosyolek  d. Wala sa nabanggit

6.      Ginagamit ang wika dahil na rin sa pangangailangang maipaalam ang napakaraming katotohanan, datos at informasyong hated ng mundo.
a.       Representasyonal  b. Imajinativ c. Instrumental d. Regulatori

7.      Ginagamit ang wika upang magawa ng isang indibidwal ang kanyang nais gawin.
a.       Instrumental b. Regulatori c. Heuristic d. Informative

8.      Ang wika ay sinasabing formal kapag
a.       Ang mga salitang ginagamit ay malawakang ginagamit ng pamayanan, ng bansa, o maging nga buong mundo.
b.      Ang mga salitang ginagamit ay kinikilala ng isang grupo ng tao.
c.       Ang mga salitang ginagamit ay sinasalita sa isang lugar.
d.      Ang mga salitang ginagamit ay pilingpili ang paggamit.

9.      Ang mga ganitong salita ay hindi literal kung kaya naglalaman ng mga talinghaga at masining na pagpapahayag.
a.       Pambansa  b. Kolokyal  c. Informal  d. Pampanitikan

10.  Palasak at natural na ginagamit ang mga salitang ito sa isang particular na lugar, ngunit maaaring hindi maintindihan o iba ang kahulugan nito sa ibang lugar.
a.       Kolokyal  b. Informal  c. Lalawiganin  d. Dayalektal
11.  Ang tuon ng teoryang ito ay sa salitang nalikha dahil sa pwersang ginamit.
a.       Pooh-pooh  b. Ta-ta   c. Yo-he-ho  d. Bow-wow

12.  Ang proxemics ay tumutukoy sa
a.       Distansya o layo sa pagitan ng nag-uusap.
b.      Pook kung saan nagaganap ang pagtatalastasan.
c.       Paggamit ng mata sa pakikipagtalastasan.
d.      a at b

13.  Ang haptics ay tumutukoy sa
a.       Paggamit ng galaw, kilos ng katawan sa pagbibigay ng mensahe.
b.      Maaaring mangahulugan ng pakikiramay, pakikigalak, at pakikiisa sa damdamin ng kausap.
c.       Tumutukoy sa paghawak o paghaplos sa pakikipagtalastasan.
d.      Tumutukoy sa paggamit ng mga bagay sa pakikipagtalastasan.

14.  Sakop nito ang bulalas ng damdamin tulad ng pagkagulat, galit, hinanakit at tuwa.
a.       Regulatori  b. Interaksyonal c. Personal  d. Intersubjectiv

15.  Gamit ito ng taong nais na matuto at magkamit ng mga kaalamang akademik o propesyonal.
a.       Heuristic b. Regulatori c. Instrumental d. Personal

16.  Ang layo naman!(Maynila)
Ala, ang layo eh! (Batangas)
Ang layo ah! (Bataan)
a.       Dayalek  b. Sosyolek c. Idyolek d. A at b

17.  Ito ang pinakaliberal na varayti.
a.       Dayalek b. Sosyolek c. Idyolek d. Wala sa nabanggit

18.  Ang mga salita ay tinawag na informal dahil sa sumusunod na dahilan
a.       Ang paggamit ng mga salita sa lalawiganin ay nakakabawas ng kahalagahan ng salita.
b.      Iba ang kahulugan ng “taboo” sa “slang”.
c.       Informal upang ipaalam na ang mga salita ay simple at palasak.
d.      Ginagamit araw-araw.

19.  Ang mga sumusunod ay nangyari sa Pentekostes maliban sa isa
a.       Ang nangyari sa mga apostol ay nagsilbing biyaya upang maipalaganap ng lubusan ang Mabuting Balita at kagaya sa lumang tipan natuto nang hindi mag-aral ang mga Apostol ng wika.
b.      Natuto ang mga Apostol na huwag nang mag-aral ng wika.
c.       Sa pamamagitan ng biyaya ng Espirito Santo, sumigla ang mga Apostol at nagsalita ng mga wikang hindi nila nalalaman ngunit kailangan sa pagtuturo ng ebanghelyo.
d.      Wala sa nabanggit.

20.  Nakatuon sa kumpas at galaw lalo na ang kumpas ng kamay.
a.       Yum-yum  b. Teoryang Ta-ta  c. Bow-wow  d. Ding-dong


21.  Langitngit ng kawayan at talbog ng bola.
a.       Ta-ta  b. Bow-wow c. Ding-Dong d. Yum-yum

22.  Tandaan na nabubuhay ang                               ayon sa pangkat o uri ng mga taong gumagamit nito.
a.       Sosyolek b. Idyolek c. Dayalek d. Register

23.  Tingnan mo siya. Mukhang mahirap siyang isuot.
a.       Idyolek  b. Sosyolek  c. Dayalek   d. Register

24.  Ang tawag dito ay wikain.
a. Idyolek  b. Sosyolek  c. Dayalek   d. Register

25.  Malikhain ang tunguhin nito kung kaya karaniwan nang mapapansin sa mga gawaing masining o estetiko.
a.       Imajinativ b. Informative c. Personal d. Hueristik

26.  Ito ay mga gamit ng wika maliban sa isa
a.       Huersitic  b. Regulatori  c. Personal  d. Imajinativ

27.  Kailan sinsabi na ang salita ay wika?
a.       Ang salita ay wika kapag naiintindihan ng lahat.
b.      Ang salita ay wika kung ito ay tinatanggap sa lipunang ginagalawan.
c.       Ang salita ay wika kung ito ay base sa karanasan ng mga tao.
d.      Wala sa nabanggit.

28.  Isa ito sa katangian ng balbal na mga salita.
a.       Pagpapaikli
b.      Pagbibigay ng bagong kahulugan
c.       A at B
d.      A

29.  Siya ang isa sa nag-aral sa gamit ng wika.
a.       M.A.K Halliday
b.      Goodman
c.       Andrew Halliday
d.      M. Santiago

30.  Ang mga tao ay natutong humabi ng mga salita mula sa mga seremonya at ritwal na kanilang giagamit.
a.       Tarara-boom-de-ay
b.      Yo-he-ho
c.       Pooh-pooh
d.      Ta-ta

Panuto: Piliin ang titik ng salita o parilalang naiiba sa pangkat. Bilugan ang tamang sagot.(2pts)
1. a. inter-subjektive     b.simbolo                       c.sitwasyunal                d. Variationist
2. a. layunin                  b.nilalaman                    c.kaalaman                   d. tiwala sa sarili
3. a.kaasalan                b.ilalaman                           c. istruktura                    d.fidbak
4. a. tuwiran                  b.di gaanong tuwiran          c. di tuwiran                    d. fidbak
5. a.proximics               b. chronemics                     c. linggwistik                     d.haptics
6. a.source                    b.message                             c. chanel                       d.transamiter
7. a. destinasyon          b.dekoder                               c.interpreter                   d. encoder
8. a. tagagawa              b.konsumer                            c.gatekeeper                   d.mensahe
9. a,functional               b.mathematical                        c. ecological                  d.sikolohikal
10. a. setting                 b. keys                                     c. code                             d. genre

Test 3 Ang mga sumusunod na katanungan ay mula sa El Filibusterismo.Piliin ang tamang sagot.
1.      Sa kabanata 21 na pinamagatang “Mga Anyo ng Taga-Maynila”, siya ay isang lalaking payat, marumi, kulay saga ang mukha at kinakaladkad ang isang paa kung lumakad.
a.       Simoun
b.      Tiyo Kiko
c.       Camarroncocido
d.      Mr. Jouy

2.      Ayusin ang pagkakasunod-sunod ng mga sumusunod:
A. Maagang gumising si Basilio dahil marami siyang aasikasuhin sa araw na iyon.
B. Hindi napansin ni Basilio ang mga estudyanteng takot na takot at tila pauwi.
C. Natuklasan sa unibersidad ang mga paskin na nagsasaad ng magaganap na himagsikan.
D. Tumungo si Basilio sa bahay ni Macaraig upang mangutang.
E. Kasamang dinakip ng mga gwardiya sibil si Basilio.

a.       C,A,B,D,E
b.      A,B,C,E,D
c.       C,B,A,D,E
d.      A,D,C,B,E
3.      Ano ang ipinapakitang ugali nib en zayb sa kanyang isinulat na siya ang kumakatawan sa mga mamamahayag na Pilipino?
a.       Mabait
b.      Mayabang
c.       Mapagkumbaba
d.      Sinungaling

4.      Saan binaril ng guwardiya sibil ang isang bingi na di pumansin sa kanyang pagsigaw?
a.       Dulumbayan
b.      Ermita
c.       Quiapo
d.      Sta. Ana
5.      Paano ang paglalarawan ni Rizal sa pagkamatay ni Kapitan Tiyago?
a.       Nakakatuwa
b.      Nakakalungkot
c.       Nakakainis
d.      Nakakatakot

6.      Isang opurtunista na iniwang nag-iisa ang kababayang probinsyano.
a.       Tadeo
b.      Tiyo Kiko
c.       Camarroncocido
d.      Basilio

7.      Si                            ay dating kaluguyo ni Padre Irene.
a.       Donya Victorina
b.      Pepay
c.       Sepay
d.      Juli

8.      Ayon kay Tadeo, gagawin lamang daw silang                                      ng mga prayle.
a.       Kabesa de barangay
b.      Alipin
c.       Manikin
d.      Utusan

9.      Ano ang ibig sabihin ng pahayag na “Ayaw ng mga Intsik na magtaas ng kaliwang paa?”
a.       Sila’y natatakot.
b.      Sila’y naiinis.
c.       Sila’y nagagalit.
d.      Sila’y inaantok.

10.  Inihandog niya ang abito sa kaibigang namatay.
a.       Kapitan Tiyago
b.      Kapitan Tinong
c.       Kabesang Tales
d.      Padre Irene

11.  Mahinahon siya sa pagsasalita kaya hindi maghihinala ang mga tao ng masama sa kanya.
a.       Padre Irene
b.      Padre Salvi
c.       Padre Camorra
d.      Padre Florentino

12.  May-ari ng samahang Pranses  na magtatanghal ng operang Pranses.
a.       Mr. Jouy
b.      Simoun
c.       Ben Zayb
d.      Mr. Joy

13.  Siya ay hindi nagpunta ng dulaan dahil hinaharap niya ang pagrerepaso.
a.       Simoun
b.      Basilio
c.       Tadeo
d.      Macaraig
14.  Dalawa ang dumadalaw sa may sakit, si Simoun at                .
a.       Padre Irene
b.      Padre Salvi
c.       Padre Florentino
d.      Padre Camora

15.  Hinangad niya na pakasalan siya ni Juanito.
a.       Paulita
b.      Juli
c.       Donya Victorina
d.      Wala sa nabanggit

16.  Ipinaninibugho ni Paulita si Isagani sa mga                 .
a.       Pranses
b.      Prayle
c.       Kamag-aral ni Isagani
d.      Wala sa nabanggit

17.  Ano ang katangian ni Isagani na wala sa ibang mga mag-aaral sa kasalukuyang panahon?
a.       Masipag
b.      Matalino
c.       Maraming pangarap
d.      Magalang

18.  Siya ang nagbaba ng mapagkunwaring desisyon tungkol sa akademya na pabor naman sa mga prayle.
a.       Don Custodio
b.      Padre Irene
c.       Ben Zayb
d.      Padre Fernandez

19.  Ano ang ipinapahiwatig ng mapagkunwaring desisyon ukol sa akademya ng wikang Kastila?
a.       Ang mga Kastila ay walang balak na ipasa ang panukala ukol sa akademya.
b.      Sa pamamagitan ng mapagkunwaring desisyon ay magagamit nila ang mga mag-aaral sa kanilang balak.
c.       Natatakot ang mga Kastila sa mga mag-aaral na matuto ng kanilang wika kaya para hindi halata na wala talagang akademya ay may pakunwaring desisyon na ipinababa na pabor umano sa mga mag-aaral.
d.      Ipinagkakait ng mga Kastila ang kanilang wika sa mga Indyo.

20.  Ano ang ipinapahiwatig nina Isagani at Makaraig na kaiba sa lahat ukol na rin sa mga paskin?
a.       Nagpakita sila ng katapangan at paninindigan kahit pa ang kapalit nito ay ang kanilang pagkapiit.
b.      Maalab ang pagmamahal nila sa bayan at may pagmamalasakit sa kapakanan ng bawat Pilipino.
c.       Nagpakita sila ng pagkatakot dahil na rin sa mga nangyari ukol sa mga paskin.
d.      Nagpakita sila ng kababaan ng loob.

21.  Siya ay natuwa nang nakita niya si Basilio sa pag-aakalang naroon siya upang dumamay.
a.       Sandoval
b.      Isagani
c.       Macaraig
d.      Juanito

22.  Ano ang ipinapahiwatig ng karakter nina Sandoval at Juanito ukol na rin sa nagyaring kaguluhan tungkol sa mga nagkalat na paskin?
a.       Sila ay mga taksil sapagkat kung kasayahan ay nandoon sila at wala sila sa oras ng kagipitan.
b.      Sila ay takot sa mga pangyayari.
c.       Iniisip lang nila ang sarili nilang kaligtasan.
d.      Wala sa nabanggit.

23.  Siya ay natalo kay Isagani sa pangangatwiran.
a.       Padre Fernadez
b.      Padre Florentino
c.       Basilio
d.      Sandoval

24.  Sino ang tanging makakatulong kay Julia yon na rin kay Hermana Bali?
a.       Padre Camorra
b.      Padre Irene
c.       Donya Victorina
d.      Basilio
25.  Ano ang ipinapahiwatig ni Juli noong siya ay humingi ng tulong sa taong alam niyang mapapahamak siya?
a.       Makikita dito ang kadakilaan ng pag-ibig ni Juli para sa kanyang pinakamamahal na si Basilio.
b.      Lahat ay gagawin niya para kay Basilio dahil na rin sa magiging doctor si Basilio balang araw.
c.       Si Juli ay may malaking puso na handing ialay ito para sa iba.
d.      Siya ay isang mapagmahal na anak.

26.  Sino-sino ang mga naapektuhan sap asking natuklasan sa Unibersidad?
a.       Mga mag-aaral
b.      Mga negosyante
c.       Mga kura
d.      Lahat ng nabanggit

27.  Naiinggit siya noong namatay si Kapitan Tiyago.
a.       Donya Patrocinio
b.      Padre Irene
c.       Kapitan Tinong
d.      Wala sa nabanggit

28.  Ano ang nasasalamin sa mga nangyari sa Kabanata 29- Mga Huling Salita Tungkol kay Kapitan Tiyago?
a.       Nagpapakita dito na kahit sa libing ay may mga taong mainggitin.
b.      Ang kabanata na ito ay nagpapakita ng kasakiman at kapalaluan ng mga tao.
c.       a at b
d.      b

29.  Sino ang mga lumabas sa gitna ng palabas nang malaman nila ang resulta ng kanilang kahilingan?
a.       Mgaestudyante
b.      Mga kura
c.       Mga taong bayan
d.      Mga Pranses

30.  Siya ang misteryosong sumusubaybay sa mga estudyante noong nagtipon-tipon ang mga ito sa isang salo-salo.
a.       Simoun
b.      Padre Salvi
c.       Padre Irene
d.      Ben Zayb
Test 4 Pagsulat ng sanaysay. 10pts
Kung ikaw ay mabibigyan ka ng pagkakataong maging si Jose Rizal, ano ang pamagat ng akda na gagawin mo para sa bayan. Ipaliwanag.

Krayterya;
Masining at Istetikong hikayat- 5 pts
Coherence                                   - 5 pts


·         Red- hard
·         Blue- average
·         Green- easy















1 komento:

  1. Gambling in the UK - JTM Hub
    In 오산 출장안마 2021, 고양 출장마사지 JTG launched a virtual 용인 출장안마 casino game called Gambling in the UK. It 용인 출장안마 is a type 충주 출장샵 of betting game that was developed in 2014 in Malta.

    TumugonBurahin